Anu ka ba? Paki-lakasan ang dialogue di namin marinig! |
Saturday, December 3, 2011
CLASH OF THE PANDAY 2
Di ho ba kayo kinikilabutan sa trabaho niyo? |
Obvious na lokohan naman kasi ang ginagawa sa skills niyo ng mga taong nakatataas sa inyo. Tignan niyo nalang itong binabandera ni Pong Revilla na entry sa MMFF. “Ang story nito ay ayos na last 2010 pa. Compared sa first ‘Panday’ ni-level-up ito. We made sure na si Flavio mas lumaki at mas lumaganap at nagdagdag kami ng mas maraming mga surprises,” . Nampotcha naman! 2010 din pinalabas ang Clash of the Titans eh! Wag niyo sabihing hindi totoo ang sinasabi ko.
Ano ho ang explanation niyo sa Kraken? Guest appearance? Eh yung scorpion at harpy? Special participation? O nag-f-freelance ang mga character na ito ngayon sa Pinas habang wala pang sequel yung Clash? Sigurado mag-d-deny kayo. Pero jusko naman. pati ba naman camera angle ng kraken shots tinorjak niyo. Eh yung bangin na kinatatayuan nun scorpion? Nagkataon lang ho ba yun?
Diba si Sen. Bing dating chief ng OMB or VRB ba yun? Whatever? Eh diba yung ginagawa nilang ito na pag-r-rip off ng mga holywood films qualifies as theft ng intelectual property owned by Warner Bros. Pictures at Legendary Pictures? The Kraken was actually designed by Jerad Marantz, lead designer of Aaron Sims. The 3d model was built by Sam Rowan, lead modeler in MPC which by the way needs to be alerted by this 'nothing but a second rate, trying hard copycat'. (buhos tubig) Lagot kayo Sen. Revillame.
Sa inyo kaya gawin ito? Ay teka muna. Nothing worth copying there.
Hindi lang Clash of the Titans ang makikita niyo sa trailer. Andun din ang designs ni Batman at LOTR. Pustahan tayo deny to death kapag na point out lahat ng mga ito.
As usual maririnig niyo sa promotion:
- 'Kakaibang Panday ang mapapanood niyo'
- 'Tangkilikin natin ang pelikulang Pilipino'
- '...worl class'
Wednesday, November 30, 2011
Naabutan ni KC: Naghihigupan at Nagkakainan
Tuesday, November 29, 2011
The Buzz Interview: KC Concepcion on Piolo Pascual
Highlights po ng interview ni KC Concepcion:
"May mga hinahanap ako na basic lang na hahanapin ng isang babae sa isang boyfriend, sa isang lalaki. Ayoko na magbigay ng details, kasi ayokong siraan siya. Pero let’s just say na lahat talaga, kaya ko, lahat! Lahat ng kung may anak siya, tinanggap ko ‘yun. Tinanggap ko ‘yung anak niya! Kahit may mga times na hindi ko siya maintindihan, tinanggap ko. Kasi, sinasabi sa akin ng mga kaibigan namin na personality niya ‘yun. Kapag may mga bagay na hindi ako sang-ayon, na ginagawa sa isang babae, tinatanggap ko. Kasi, naniniwala akong mabait siyang tao. May mga bagay na hindi ko na kayang lunukin. Hindi ko na kaya ‘yun tanggapin...Kasalanan ko rin ito sa sarili ko. Kasi siyempre, ginusto ko naman ito, ‘di ba? So, kasalanan ko rin sa sarili ko. Kasi, pinaglaban ko pa, eh. Saka sobra-sobra talaga akong nagtiwala. Sobra."
Ateh tama na cry, you're too FAAABULOUS and beri-beri pretty para maloka ng ganere. though I don't blame you, iba ang powers ni Papa P! Sexuality is fluid so is LOVE kaya magmahalan na lang lahat TAYO, DI BA? ACHIEVE!
Tuesday, February 8, 2011
Saturday, February 5, 2011
si KA-Maning!
Goodmorning ser! Mumog na tayo! Almusal na! |
Si ka-Maning ang pinaka-kuwela sa lahat ng nakainuman namin kapag gumigimik kami sa General Santos. Madalas kapag lasheng na siya simula na ang kampaniya. Na kapag naging congressman siya ipapaayos niya ang mga kalsada, magpapatayo siya ng mga eskuwelahan at kukuha ng maraming trabaho. Okay naman ka-jamming si ka-Maning. Simpleng tao lang siya. Dati siyang panadero at tindero ng donut. Pantulong sa nanay niya. Pero wag niyo siya bibiruin tungkol sa pagka-chic-boy niya at baka ma-knockout kayo. Ipagdasal niyo nalang andiyan si kapitana Jinkee.
hango mula sa larawan kuha ni ka Larry Concepcion
Namigay ng Chess set si Tiyo Kiko at si TiyaCharon
Reunion time! Wohoooo! Enjoy kami lahat! May chess set na naman! Yehey! |
Subscribe to:
Posts (Atom)